Archive for February 25th, 2007

Piolo ug Sam, kinsay bayot?

February 25th, 2007 by Rolly

mao ni ang picture nga nikalat sa internet bahin nila ni Sam Milby ug Piolo Pascual nga nag-holding hands. Kamo nalay mosuta ani kun unsa sa inyo panan-aw. Nigawas si Piolo ug Sam sa The Buzz ganiha ug nag-explain bahin ani.

Nabugnaw si Choco pagkabalo nga sweet silang duha. Ay, basta ako, sila gihapon ako idol. Ako ng giilisdan ang music kay duna nay niyawyaw, hahahahahaha.

EDITED by: Choco
Loy- wala ko nabugnaw oi kay klaro kaau ang pics na gi doktor hehehe. tan-awA ang kamot klareks kaau kinsa man ang nag edit ana pakauawaw lang. hahaha…

Pero mao ni ang klaro na mikalat sa internet the hottest in showbiz! Click HERE:-)

click here

Category: Bisaya | 38 Comments »

mangaon ta

February 25th, 2007 by Rolly

mangaon tag bulad ug ginamos paresan ug poso…ay kalami…






click here

Category: Bisaya | 26 Comments »

Pinay sa US pinagkaitan ng kabataan

February 25th, 2007 by alimokoy

Halos 19 anyos lamang si Erma Martinez nang dalhin siya sa Amerika upang gawing kasambahay ng isang pamilya na kapwa niya Filipino. At sa paglipas ng mahabang taon, ngayon 40 anyos na si Elma, nanatiling dalaga—sinasabing pinagkaitan ng sarili niyang kababayan ng pagkakataon na ibigin at umibig.

Nitong nagdaang anim na buwan, naging malaking balita sa Wisconsin ang kaso ni Martinez, tubong Camarines Sur. Nilitis at napatunayang nagkasala sa kasong “harboring of illegal immigrant for financial gain, conspiracy to harbor an illegal immigrant, forced labor at attempted forced labor,” ang kanyang mag-asawang amo na sina Elnora at Jefferson Calimlim.

Sa “pagkapanalo” ng kanyang kaso, sa utos na rin ng korte ay posibleng makakuha si Erma ng danyos na tinatayang P33 milyon bilang back wages. Pero sapat ba itong kabayaran sa “nawala” niyang kabataan.

Duktor sa Milwaukee si Jefferson. Taong 1985 nang maisipan nilang kumuha ng kasambahay sa Pilipinas at dalhin sa US upang makaagapay ni Elnora sa pagpapalaki ng kanilang tatlong supling.

Kaya nang minsan magbalik-bayan sa Pilipinas ang mga magulang nila Elnora, isinama nila sa pagbabalik sa US si Erma. Madali lang nila itong nagawa, pinalabas nilang pasyente si Erma at ang duktor na kailangan tumungin sa kanyang kalagayan ay si Jefferson.

At mula noon, naging “miyembro” na ng pamilya Calimlim si Erma. Iyon nga lang, bilang maid kung wala silang bisita—at kung may makakakita o bisita sa bahay, bilang kamag-anak.

Mahirap ang pamilyang iniwan ni Erma sa Camarines Sur. Kaya naman malaking bagay para sa kanya ang makarating sa bansa ng “ the Great American Dream,” lalo pa’t pinangakuan siya ng mag-asawa na tutulungan na makakuha ng “green card.”

Sumasahod siya ng $150 bawat buwan sa unang 10 taon niya sa piling ng mga Calimlim at tumaas naman sa $400. Sinikap niyang makaipon, nagtipid hanggang sa siya na rin lang ang gumugupit sa kanyang buhok dahil nanghihinayang siya sa ibabayad sa parlor.

Halos lahat ng kanyang kita ay ipinapadala niya sa Pilipinas. Katunayan, nagawa niyang mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid. Nakapagpundar ng gamit sa kanilang bahay, at naipagdiwang ang kaarawan ng mga pamangkin.
Ngunit ang lahat ay may kapalit—ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga magulang at mahal sa buhay. At higit sa lahat, sa nobyong naiwan sa Pilipinas na minsan niyang isinama sa mga pangarap na bubuo ng kanyang pamilya.

Sa panahon ng pananatili ni Erma sa tahanan ng mga Calimlim—naging pili ang kanyang mga kilos. Maging ang pagsagot ng telepono at de-numero- tipikal na de-numero. Hindi niya maaaring sagutin ang mga tawag kung hindi aabot sa 10 ring. Ito ang senyales na ang tumatawag ay ang kanyang mga amo.

Hindi rin basta-basta makakaharap sa bisita ng mga Calimlim si Erma. Kung hindi siya puwedeng ipakilala bilang kamag-anak, kailangan niyang magkuble dahil na rin sa turo sa kanya ng pamilya na maaari siyang madeport kapag natuklasan ang illegal niyang pananatili sa US.

Sa mga piling pagkakataon na nakakapagpadala siya ng sulat sa kanyang magulang sa Pilipinas, inilahad ni Erma sa korte ang kanyang kalungkutan—mga kinimkim na dalamhati sa dibdib na bagaman maaayos ang kanyang kalagayan sa US ay nabubuhay siyang malungkot. Tila bilanggo sa isang magarang bahay na nagkakahalaga ng $1.2 milyon.

Hanggang sa dumating ang panahon na lumaki na ang kanyang mga “alaga.” Kabilang na dito si Jack na magkaroon na ng kasintahan.

Taong 1990s nang kinailangan dalhin sa kanilang bahay ni Jack ang kanyang kasintahan na isang Fil-Am na si Sherry Bantug. Ipinakilala nila si Erma bilang “Tita.”

Ngunit bukod sa maganda, mapagmatyag at naging mausisa si Sherry sa katauhan ng kanilang “Tita.” Kung kamag-anak nga naman ng mga Calimlim si Erma, bakit hindi nila ito kasabay na kumain?

Home > Pinoy Abroad > Buhay OFW Pinay sa US pinagkaitan ng kabataan
02/19/2007 | 06:42 PM

Email this | Email the Editor | Print | Digg this | Add to del.icio.us
At sa pag-uusisa ni Sherry, inamin ng mga Calimlim ang katauhan ni Erma, isa siyang maid from the Philippines. Naging magaan naman ang loob nina Erma at Sherry sa isat-isa.

Katunayan, ibinahagi ni Erma kay Sherry na mayroon siyang nobyo na naiwan sa Pilipinas na hindi na niya nakita mula ng lumipad sa US. Nangungulila siya sa pagmamahal ng kanyang nobyo at hangarin na magkaroon ng sariling mga anak. Ngunit sa tantiya niya, tila lumipas na ang pagkakataon na magkaroon siya ng sariling pamilya.

Naikasal sina Jack at Sherry—ipinaglaban pa nila sa kanilang mga magulang na makita sa simbahan si Erma sa araw ng kanilang kasal. Subalit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama.

Nang magpetisyon para sa deborsiyo si Sherry, naging hudyat ito upang ipagbigay alam niya sa U.S. Department of Immigration and Naturalization Services ang kalagayan ni Erma.

At hindi nagtagal, sinalakay ng federal agent ang tahanan ng mga Calimlim. Nakita nila si Erma sa ilalim ng basement—nagtatago sa isang cabinet—bakas ang takot sa mukha sa kamay ng mga ahente ng Amerika na hindi niya malaman kung tagapagligtas niya. Marahil ay naglaro sa kanyang isip ang babala na posibleng siyang pabalikin ng awtoridad sa Pilipinas at hindi na payagang makabalik pang muli sa Amerika dahil sa pagiging illegal alien.

Sa kabila ng pangyayari kay Erma, marami pa rin mga Fil-Am na nakisimpatya sa mga Calimlim. Para sa kanila, ang ugnayan namagitan sa mga Calimlim at ni Erma ay isang kasunduan nakabaon sa kultura ng mga Filipino.

Kung tutuusin nga naman, sa hirap ng buhay na iniwan ni Erma sa kanyang lalawigan, dapat pa nga nitong tanawin na malaking utang na loob na isama siya sa Amerika at binigyan ng trabaho.

Magkano nga lang ba ang kita ng isang kasambahan kung sa Pilipinas siya mamamasukan? Malaki na marahil ang P3,000 isang buwan. Kaya naman gumawa ng paraan ang ilang miyembro ng komunidad ng Fil-Am sa Milwaukee upang ipaliwanag sa korte ang sitwasyong namagitan sa mga Calimlim at ni Erma.

Subalit ang kanilang pagsisikap ay nauwi sa wala. Mayroon batas na sinusunod ang US laban sa pagkakanlong ng illegal alien at pagbibigay proteksiyon sa mga kasambahay.

Bukod sa utos ng korte na bayaran ng backwages si Erma, nahaharap din sa posibleng pagkakakulong ang mag-asawang Calimlim ng hindi hihigit sa anim na taon.

At si Erma, bukod sa P33 milyon makukuhang danyos, mapalad siyang pagkalooban ng temporary visa na ibinibigay sa mga illegal immigrant na biktima ng human trafficking.

Masaya rin niyang ibinalita na mayroon na siyang bagong mapapasukan. Bakas na ang kompiyansa sa sarili at handa nang magsimula ng kanyang bagong buhay.–Fidel Jimenez. GMANews.TV

Marriage Seen Through the Eyes of a Child: Click H-E-R-E

Category: Bisaya | 16 Comments »

tawa sa ta gamay

February 25th, 2007 by choco

DUCK DICTIONARY

maliit na duck- “panduck”
tirahan ng maliit na duck- “Pandacan”
mataas na duck- “boonduck”
nagulat na duck- “nasinduck”
photogenic na duck- “kodak”
malaking duck sa Ilocos- “duck-il”
madaldal na duck- “dakdak”
pantakip sa bibig ng madaldal na duck- “duck tape”
manggagamot na duck- “ducktor”
musikero na duck- “conducktor”

Spanish teacher: Class use ‘fuera’ in a
sentence.
Student: Mis maestras son bonitas (my teachers
are beautiful).
Teacher: Oh, that’s very flattering but where’s
‘fuera’?
Student: Fuera ka!

IDD call from US:

HUSBAND: hon musta ang tindahan?
WIFE: dept store na!
H: ang tuba-an?
W: KTV bar na!
H: and mga trickad?
W: taxi na!
H: ang dalawa kong anak?
W: LIMA na!

sweethearts watchin’ da sky…

GUY: ano ang horoscope mo?
GIRL: anong huruskup?
GUY: yung bang kapalaran mo, katulad ko, CANCER.
GIRL: ah, sa akin ALMURANAS!

TITSER: who can make a sentence then translate
it in tagalog?
PUPIL: my titser is beautiful, isn’t she?
TITSER: very good,
translate it in tagalog.
PUPIL: ang guro ko ay maganda, maganda nga ba?

DONYA: bilang bagong katulong, tandaan mo na ang
almusal dito ay alasais empuntu!
MAID: walang problema donya. kung tulog pa ako
sa oras na yun, mauna na kayong mag almusal!

SAYINGS TO LIVE BY:

1. birds of the same feathers, are the same birds
2. do not do unto others what you can’t do
3. an apple a day is not an apple at night
4. when the cat is away the mouse is alone
5. if others can do it, don’t help
6. tell me who ur friends are and i’ll tell u mine
7. early to bed and early to rise makes you
sleepy In the afternoon
8. ang ilog na tahimik ay malalim, ang ilog na
maingay may naglalaba

pakapin:
Kinsay interesado ug PSP 5.0? Syagit lang ug ayaw kaikod. Si Loloy na master na… si Ivy ug Janine magsugod pa…wink*… nadawat na nimo dae Ivy? Basta syagit lang kung kinsay interesado. Opppssss since wala pa nako ang CD gihuwaman man gud. Basin ug nadawat na ni Ivy ang CD adto lang ta mamarayeg niya.

Category: Bisaya | 10 Comments »